Pages

Wednesday, September 3, 2014

"Wikang Filipino, Kailangan ka namin"

Source:



           Ang ating bansa ay biniyayaan ng mga iba't ibang wika kaya't madalas ang hindi pagkakaunawaan lalong lalo na sa pagitan ng mga magkakaibang lahi. Kaya naman nagkaroon tayo ng pambansang wika at sa pamamagitan nito tayo'y nagkakaintindihan at nagkakaisa.


           Alam na nating lahat na sa tuwing sasapit ang buwan ng Agosto ay ginugunita natin ang Buwan ng Wika, isa sa mga paraan para maipakita ang labis nating pagpapahalaga sa ating wikang pambansa. Isipin natin, ano na lang kaya ang mangyayari kapag walang tayong wikang Filipino? Magkakaintindihan pa ba tayo?Malamang hindi na kaya't napakahalaga ang ating wikang Filipino sapagkat ito'y parang isang tulay na nagdudugtong-dugtong sa ating mga tao. Saan man tayo mapadpad basta't wikang Filipino ang ginamit mo,maiintindihan ka. Dahil dito nagkakaroon tayo ng pagkakaisa sapagkat may pagkakaunawaan. Kaya't dapat nating pasalamatan ang ating bayaning Gat Rizal dahil kung meron mang bayani ang nakaisip na tayo'y magkaroon ng pambansang wika, siya iyon at syempre huwag din nating kakalimutan si Pang. Manuel L. Quezon na siyang ama ng ating wikang pambansa. Huwag natin itong kalimutan o balewalahin dahil kung wala ito magiging magulo ang daloy ng komunikasyon sa ating bansa.


            Patuloy sana nating pagyamanin, gamitin, tangkilikin at ibahagi ang ating wikang Filipino. Ating tandaan na ang hindi magmahal sa sariling wika ay higit pa sa malansang isda. Isulong ang paggamit ng ating wikang pambansa. Wikang Filipino, Wikang Panlahat, Wika ng Pagkakaisa.

0 comments:

Post a Comment